Breaking News

MAGNA CUM LAUDE GRADUATE NG PSU, NANGUNA SA CIVIL ENGINEERS LICENSURE EXAMINATION.

Isang nagtapos mula sa Palawan State University - Puerto Princesa ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa mga pumasa sa Civil Engineers Licensure Examination ngayong Nobyembre 2023, ayon sa inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).

Ito ay si Godfrey Queron Correa ay nakakuha ng 93.60 percentage rating sa 6,180 na matagumpay na nakapasa sa mga pagsusulit na pinamahalaan ng Board of Civil Engineering sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

No comments