Breaking News

Special license plates para sa e-vehicles, ipinanukala

𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐄-𝐕𝐄𝐇𝐈𝐂𝐋𝐄𝐒, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐍𝐔𝐊𝐀𝐋𝐀

Inihain ni Malasakit at Bayanihan party-list Rep. Anthony Golez Jr. ang isang panukala para mabigyan ng special license plates ang mga electronic vehicle (EVs).

Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8560, aatasan ang Land Transportation Office (LTO) na gumawa ng plaka na iba sa regular na plaka na ibinigay sa mga conventional na sasakyan.

Ngunit dapat muna itong makapasa sa pamantayan na itatakda ng LTO upang masiguro na sumusunod ito sa safety standards.

Sa paraang ito, umaasa ang mambabatas na mas dumami ang maengganyo na gumamit ng electronic vehicles.

Ang LTO na ang bahalang magdesisyon sa magiging kulay at disenyo ng plaka para sa EV.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay insentibo sa mga gumagamit ng electronic vehicle gaya ng pagbibigay ng priority lane, tax incentive, parking privilege, at environment recognition.

No comments