Breaking News

Isang Indian National Patay matapos Pag-babarilin sa Datu Paglas Maguindanao Del Sur.

Datu Paglas MDS-hindi na naka abot ng buhay sa ospital ang isang Indian National o "Bombay" matapos  pag-babarilin kaninang umaga 10:20 November 26,2023 sa Bahagi ng Barangay Damalusay Datu Paglas Maguindanao Del Sur.

Ayon Kay PCAPT NURJHASIER A.SALI COP ng Datu Paglas Mps may isang tawag silang na recieve na mayroon di umanong insidente ng pamamaril sa Barangay Damalusay Paglas MDS,at agad na pinuntahan ng ating mga awtoridad sa Pangunguna ni PCPT SALI COP ng Datu Paglas Mps. 

Tinamaan sa ulo ang biktima naging sanhi ng kaniyang maagang kamatayan 

Kinilala ni PCAPT, SALI COP  Datu Paglas Mps ang biktimang si, JASPTREET  SINGH, 30 taong gulang Walang asawa at residente ng Barangay Saguing Makilala North Cotabato nakasakay ng itim na motor  single Honda XRM 125.

Nadala pa sa Pinaka malapit na ospital pero idineklara din na dead on the arrival ng attending physician ang nabanggit na biktima.

Sa ngayon ay agad nag Conduct ng hot pursuit operation at check point ang ating mga awtoridad sa mga posibleng daan ng mga  suspek.

At patuloy parin ang imbistigasiyon ng Datu Paglas Mps Hingil sa panibagong serye ng Pamamaril pag patay sa  nabanggit na biktima.

No comments