Breaking News

Padre de pamilya patay sa aksidente sa Roxas Palawan

NEWS UPDATE | PADRE DE PAMILYA, PATAY SA AKSIDENTE SA ROXAS

Patay ang isang 59 anyos na padre de pamilya na si Jhun Lapidez habang sugatan naman ang angkas nito na si Jordan Dumdum residente ng Brgy. Port Barton San Vicente, Palawan matapos na bumangga ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na shuttle van kahapon, July 9, 2023.

Ito ay nangyari bandang alas-kwatro ng hapon sa kurbadang bahagi ng daan sa Sitio Bayugon, Barangay Tinitian, Roxas Palawan.

Ayon sa Pulisya, patungo sana ng Puerto Princesa ang dalawa nang mag-overshoot ito dahilan para mabangga ang kasalubong na van.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo si Lapidez na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Samantala, Iniulat ng pulisya na nasa impluwensya ng alak ang mga biktima ng mangyari ang insidente.

No comments