Hindi bababa sa 12 uri ng Microplastic, Nakita sa laguna Lake
Batay sa pagsusuring isinagawa ng faculty at mga estudyante ng Mindanao State University - Iligan Institute of Technoloy (MSU-IIT), ang Laguna Lake ay kontaminado ng hindi bababa sa 12 uri ng microplastics na maaaring makasama sa kalusugan ng mga tao.
Ayon sa ulat, ang nakolektang water samples sa katubigan ng lawa ay nakitaan ng "blue polypropylene" na kadalasang nakikita sa mga face masks at plastic.
“It’s possible na maraming mga blue na himulmol. We are hypothesizing na posibleng ang iba ay galing sa ating mga sinusuot na mask,” ani MSU-IIT professor Dr. Hernando Bacosa.
Samantala, tumanggi naman ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na maglabas ng pahayag kaugnay sa isinagawang pag-aaral.
"LLDA have not conducted any similar study thus we cannot provide comments, confirm or deny at this time the findings of the aforementioned study. The LLDA is not in any way involved in that study so any further clarifications should be coursed directly to the researchers," anang LLDA sa isang pahayag.
No comments