Breaking News

Lalaki, Arestado matapos saksakin ng icepick ang kanyang tatay.

Arestado ang isang lalaki matapos umano nitong saksakin ng icepick ang kanyang ama sa Barangay Canuyep, Mulanay, Quezon nitong Biyernes.

Ayon sa police report, nasa ilalim noon ng impluwensya ng alak ang suspek na kinilalang si Jonard Conde, 27-anyos, nang wala nitong pag-aalinlangang sinaksak ang kanyang tatay na si Joseph.

Samantala, nagawa namang depensahan ng biktima ang kanyang sarili at natakasan ang kanyang anak.

Kaugnay nito, agad namang naaresto ng mga rumespondeng awtoridad ang naturang suspek.

Napag-alaman na dati nang naaresto ang suspek sa kasong homicide at nakalaya mula sa New Bilibid Prison sa Metro Manila noong taong 2021.

No comments