Dagat sa Ozamiz City, nagkulay pula! Isa nga ba itong masamang pangitain?
Nu’ng pumunta kami sa may tabing dagat nu’n, hindi pa gaanong pula ‘yung tubig.
Habang nagtatampisaw kami, nagtataka kami bakit nag-iiba na ‘yung kulay ng tubig. Dati kasi, ‘yung parte na ‘yun, malinaw ang tubig.
Nu’ng araw na ‘yun, namumula na lalo ‘yung tubig! ‘Yung amoy niya, parang nagiging malansa.
Hanggang sa nagkakagulo na ‘yung mga tao
Magdamag na pula ‘yung tubig. Lumabas ako nu’ng hatinggabi, pula pa rin siya!
Nakakatakot!
Nangangamba ako kasi baka may ibig sabihin ang pangyayaring ito! Ngayon lang ‘to nangyari eh. Baka babalik na ang Panginoon!”
-Christian
“‘Yung parte ng tubig dagat dito sa amin, nagkulay pula! Natakot ako! Baka kasi may delubyo na paparating sa aming lugar. Baka may gustong ipaalala ‘yung Panginoon sa sangkatauhan kaya pumula ‘yung dagat!”
-Lola Dolores
“Matagal na akong nakatira dito. Pero ngayon ko lang nakita na namula ‘yung tubig dagat!
Natatakot ako kasi baka may trahedyang paparating! Baka nagalit na ang Panginoon. Umuwi ako sa bahay para magtirik ng kandila at magdasal. Nagdasal ako na sana mawala na ang pula sa tubig ng dagat.”
-Nanay Laura
Ang resulta ng pagsisiyasat ng BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) sa nangyaring pagpula ng dagat sa Ozamiz, ngayong Linggo na sa #KMJS!
📷: Christian Lopez; Kenz Ocampos; Earl Joseph Entera; John Fel Dayondon Duhaylunsod
No comments