Breaking News

ANIM NA TAONG GULANG, MAHIGIT 70 KILOGRAMS NA ANG BIGAT


 “Nahihirapan ako kasi mataba ako.


Hindi ko maitaas ang mga kamay ko. Sobrang bigat niya.


Hindi ko kayang maligo mag-isa. Pinapaliguan pa ako ni Mama. Siya rin ang nagbibihis sa akin. 


‘Yung mga kalaro ko, tinatawag nila akong ‘Baboy! Baboy!’


Sobrang sakit po. Tao naman din po kasi ako eh. Hindi naman ako baboy. 


Gusto ko pong mabawasan ang aking timbang. Para hindi na po nila ako tuksuhin. Para po makapaglaro ako tulad ng ibang mga bata.”


-Arby


“Nu’ng pinanganak ko si Arby, 4 kilos siya. Nagpasalamat ako kay Lord kasi blessing na malusog ‘yung anak ko. 


Pero unti-unti ko pong napansin na parang linggo-linggo, tumataas ‘yung timbang niya! 


Hanggang sa nag-two and a half years old na siya, hindi ko na siya makarga sa sobrang bigat! 


Kapag binubuhat ko siya, para akong nagbubuhat ng isang kabang bigas. 


Gusto man namin siya ipa-check up sa malaking ospital, hindi naman din namin kaya dahil baon kami sa utang. ‘Yung pagkain lang namin, hindi namin alam saan kukunin. 


Isang beses, umuwi siya at humingi ng tulong kasi tinatawag daw siyang ‘baboy.’ Sabi niya, ‘Mama, hindi naman ako baboy, ‘di ba? Tao naman ako?’ 


Siyempre, bilang isang ina, sobrang sakit nu’n sa aking kalooban.


Sana po maipagamot ko si Arby.”


- Nanay Babylene

ina ni Arby

No comments