Mudos ng isang kagawad sa QC, imbes na 8,000 naging 2,000 ang ayuda
Dumadaing ngayon ang mga residente sa isang baranggay sa Quezon City matapos makatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), nang mas maliit kaysa sa inaasahang halaga.
Kwento ng mga nakatanggap ng ayuda, sinabihan daw sila ng isang kagawad na paghati-hatian nalang ang cash aid na ibibigay sa kanila. Kung kaya sa halip na P8,000, ay P2,000 na lamang ang natanggap na tulong pinansiyal ng bawat isa.
Inutusan pa umano sila ng opisyal na sa gagawing interview ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sabihin na lamang na buong halaga ng ayuda ang natanggap nila. Dahil sa takot na maging bato pa ang dapat sanang pera na makukuha nila, ay sumang-ayon na lamang ang mga residente sa kondisyon ng kagawad.
"Noong nagtanong kami kung bakit hati-hati, kasi malinaw naman sa balita na ang bawat pamilya ay makakakuha ng 8,000 pesos, ang sagot naman nila sa amin huwag daw kami maniwala sa balita, fake news daw po 'yun. Kung titingnan daw po ng DSWD 'yung lugar namin sasabihin hindi kami qualified," sabi ni Emelyn Lopez at Cherrylyn Suarez, dalawa sa mga nakatanggap ng hating ayuda.
No comments