Viral ngayon sa Social Media ang face mask sa Unan
Dismayado at hindi ikinatuwa ng ilang mga residente sa lalawigan ng Cavite ang mga nabili nilang murang unan na pawang mga “face masks” ang laman.
Sa ulat ng GMA News, mapapanood ang video ni Nolan Lodor na binuksan ang mga nabili nilang unan at napag-alamang nakahalo sa mga papel ang mga gamit na face mask.
“Puro face mask din po 'yung laman sa loob, mga gamit na rin po ito," aniya at idinagdag na sa isang grupo ng mga kabataan daw na nag-iikot sa kanilang lugar nabili ang naturang mga unan.
"Hindi ka kumportable ba, basta, nag-aalangan kang gamitin. Hindi ka kumportable, tapos, lalo na nu'ng nabuksan, nakakadiri na siya," ani Lodor.
Bukod sa kaniya, nakabili rin ng mga ganitong klase ng unan ang kaniyang mga kapitbahay.
Dagdag pa rtito, napag-alaman din nila na halos isang barangay silang nabiktima ng mga unan na nagkakahalaga lamang ng P50.
Nagbigay babala naman si Dr. Gerald Belandres na may mikrobyo ang face masks tulad ng COVID-19 na maaaring makahawa.
No comments