Breaking News

Lolo na PWD, Palaboy Laboy sa Cubao habang kumakalam ang sikmura.


Viral ngayon sa social media ang Isang larawan ng matandang lalaki na may kapansanan ang umaantig ngayon sa puso ng publiko dahil sa kaniyang kalunos-lunos na sitwasyon sa kalye ng Cubao

Ayon sa isang concerned netizen sa social media, inabutan niya ng isang pirasong burger at tubig ang matanda dahil sa labis na pagkaawa. Umani rin ito ng reaksyon ng mga netezin na tulongan sana ito ni idol Raffy Tulfo.

Nang makuha raw nito ang pagkain, bakas ang labis nitong pagkagutom dahil sa sabik na sabik itong kumain sa kabila ng kapansanan nito sa parehong kamay.

Panawagan ng netizen, sana at huwag mag-atubi ang publiko na tulungan ang kaawa-awang matanda kung sila ay madako sa Cubao kung saang kasalukuyang palaboy-laboy ang matanda.

"Guys! sana matulungan po natin itong si tatay, nakaaawa po ang kalagayan nya sa Cubao lalo na ngayong pandemic.. paki share na lang po," sabi nito sa kaniyang Facebook post.

No comments