Breaking News

Isang lalaki iniwan ng pamilya dahil sa Online Sabang


LALAKI, INIWAN NG PAMILYA DAHIL SA KANYANG PAGKALULONG SA ONLINE SABONG

“Naubos na ‘yung pera ko sa online sabong. Pati cellphone kong nakasangla, hindi ko na natubos. Nasa 200,000 pesos na ang talo ko. Lahat ng kaibigan ko, inutangan ko. Minsan, pinangsusugal ko pa ‘yung puhunan sa isda. May utang pa ako sa kapatid ko na 10,000. ‘Yung asawa ko, hiniwalayan na rin ako dahil sa bisyo ko. Dahil sa sugal, nagkahiwa-hiwalay na rin kami ng anak ko.

Ngayon, pinipilit ko na talagang magbago. Gusto ko na kasi ulit makasama ang asawa at anak ko. Gusto kong bumangon. Kapag nagkapera ulit talaga ako, magbabago na ako. Mahirap kasi mawala sa’yo ang mahal mo. Lahat kasi nawala sa akin dahil sa bisyo ko.”

-Axel

No comments