Ang DSWD ay nag bigay babala sa mga pekeng page para mang scam.
Muling nagpaalaala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na ang Facebook page na “Hero ng Pandemya” ay hindi opisyal at mag ingat sa pekeng mga kumakalat na pekeng impormasyon at mga scam sa social media.
Paalala ng ahensya na maging maingat sa pag-like, pag-comment, at pagbibigay ng personal na impormasyon o detalye sa nasabing fake Facebook page at sa nasabing mga posts sa iba’t-ibang public groups. Ang DSWD ay hindi nagsasagawa ng anumang raffle.
"Hinihikayat namin na tumingin lamang sa opisyal na Facebook page ng DSWD at mga Field Offices para sa wastong impormasyon at anunsyo. Ang opisyal na Facebook page ng DSWD ay makikita sa link na ito: https://www.facebook.com/dswdserves/
Iwasan ang mga kumakalat na fake Facebook pages kagaya nito. MULI, HUWAG TANGKILIKIN."
No comments