Breaking News

DSWD: Mga nakakuha ng 1st Tranche hindi sigurado na makakakuha sa 2nd Tranche.


"Marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nakakasigurado kung muli ba silang makakakuha ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD). Marami ang nagtatanong sa social media, sa mga barangay at sa city hall tungkol dito, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na sagot para dito.


Kaya naman muling nagpa-alala ang DSWD sa ating mga kababayan na hindi lahat ng mga nakakuha ng unang tranche ay muling makakakuha ng ikalawang tranche ng SAP. Ito ay dahil marami na sa ating mga kababayan ang nakabalik na sa trabaho tulad ng mga drivers, tindera, barbero, construction workers na prioridad noong unang tranche. Bukod dito, marami rin di umano sa ating mga kababayan ang nagkaroon na muli ng trabaho dahil sa muling pagbubukas ng mga establishimento.


Sa datos din na nakuha ng Caloocan Ngayon, halos 80,000 mula sa 215,825 pamilya sa Caloocan ang hindi na makakakuha ng ikalawang tranch ng SAP dahil binawasan na rin ng DSWD ang budget nito.


Napagalamanan din ng Caloocan Ngayon na ang unang listahan ng SAP ay bineripika ng City Social Welfare and Development Office ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at sila ang nagtukoy kung sino sa mga nakalista ang maari nang tangalin sa listahan at hindi na makakuha ng ikalawang tranche.


Dahil dito, marami sa mga kapitan sa Caloocan ang nagkwestyon sa naging hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan dahil maaring hindi maging patas ang kanilang pamimili sa mga tatanggalin sa listahan. Di umano ay maaring magkaroon ng palakasan system para sa mga benepisaryo.


Noong nakaraang linggo, naganunsyo naman ang ating City Mayor Oscar Malapitan na muling magkakaroon ng pamimigay ng ikalawang tranche ng SAP para lamang sa ating 13,886 na kababayan sa mga susunod na araw."

-Marwin Marantan

3 comments:

  1. Hello poh bkt wla pa kmi nareceive na messages galing sa inyo naka ilang pasa na asawa ko pero bkt wla pa nagpapagamot aku yan lg inaasahan ko plz lg poh paki verify ang name asawa ko Reynaldo T cachero 09364120764 Commonwealth Fairview Quezon city

    ReplyDelete
  2. Tama kasi nakakuha kami ng 1st never n second wla bigla name namin sa list kahit qualify nman makakuha ng ayuda

    ReplyDelete
  3. Hello po ma'am/sir ako po si KIRK James H. ARBILO...SAP barcode 00068868 po from Barangay sto nino, paranaque city po Sana po maibigay po sa Amin Ito po Ang contact number ko po 09617634047 po maraming salamat po....

    ReplyDelete