Breaking News

Benepisyaryo ng SAP kinasuhan dahil sa pagbebenta ng droga.



BENEPISYARYO NG SAP SA DAVAO CITY, KINASUHAN DAHIL SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA


Nakatakdang kasuhan ang isang benepisyaryo ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Davao City matapos umanong nahuli na nagbebenta ng iligal na droga.


Kinilala ni Talomo Police Station commander Maj. Sean Logronio ang suspect na si Mark Kiven Flores, jeepney driver, residente ng People's Village, Barangay Maa.


Sinampahan ng kaso si Flores sa piskalya ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong Lunes.


Sa isang pahayag, sinabi ni Logronio na inaresto ang suspek ng kapulisan sa ikinasang buy-bust operation malapit sa kanilang bahay.


Sinabi nito na binentahan ni Flores ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang kanilang personahe na nagpanggap na buyer bandang alas syete ng gabi ng Nobyembre 7.


Nakuha rin ng kapulisan mula sa pag-iingat ni Flores ang tatlong gramo na nagkakahalaga umano ng P27,000, P1,000 in marked money, drug paraphernalia, at cellphone na maaaring ginamit sa kanyang mga transaksyon.
Kasama na rin sa kinumpiska ang minamaneho nitong Jeepney na may rutang Magtuod-Bankerohan.


Napag-alaman din ng kapulisan na nasa Drug Watchlist ang pangalan ni Flores.

No comments