Tila si Kamatayan, nakabihis-itim ang imahe ni Pangulong Duterte sa Bonifacio Day rally kanina sa Quezon City.
KRIMINAL NA KAPABAYAAN." Tila si Kamatayan, nakabihis-itim ang imahe ni Pangulong Duterte sa Bonifacio Day rally kanina sa Quezon City.
Mula sa iba't ibang sektor ng lipunan—mga magsasaka, manggagawa, mangingisda, kababaihan, estudyante, at iba pa—kinondena ng mga raliyista ang sinasabing kriminal na kapabayaan ng administrasyong Duterte tungo sa pandemya sa #COVID19 at pananalasa ng mga bagyo.
“Nagpunta kami sa mga komunidad pagkatapos ng bagyo at pare-pareho ang sinasabi ng mga residente - pinabayaan sila, kinalimutan. Walang bahay, walang makain, walang kasigurahan sa kalusugan.” pahayag ni Elmer Labog, ang chairperson ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
No comments