Dating DSWD secretary, naniniwalang dapat tuloy ang ayuda sa GCQ areas
Dating DSWD secretary, naniniwalang dapat tuloy ang ayuda sa GCQ areas.
Kinwestyon ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo, Martes (Mayo 12), ang desisyon ng gobyerno na alisin na sa listahan ng mga benepisyaryo ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ang mga kwalipikadong pamilya na nasa general community quarantine (GCQ) areas.
"Matindi ang concern sa announcement na hindi na makakatanggap ng 2nd tranche yung mamamayan na mag-move na sa GCQ,” saad ni Taguiwalo sa isang virtual forum.
"Dapat tuloy ang ayuda doon sa mga komunidad na may GCQ. Pangalawa, kailangan tignan ang social distancing doon sa distribution ng SAP at pagbigay proteksyon sa social workers natin na nagbibigay ng ganitong ayuda,” dagdag pa niya.
Naninindigan ang dating kalihim na mahalagang maipagpatuloy ang SAP sa mga GCQ area lalo pa at hindi pa nakakabangon sa kabuhayan ang mga taong lubos na naapektuhan ng krisis.
Sa kabilang banda, una ng ipinaliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque na dahil sa nadagdagan ng limang milyong pamilya ang benepisyaryo ng SAP, sapat na lamang ang budget ng programa para sa mga nasa lugar na may enhanced community quarantine (ECQ).
No comments