Breaking News

DSWD: 3.5 na pamilya sabay na makukuha ng 1st at 2nd tranches ng SAP 36 comments



(Photo from Facebook)


 DSWD: 3.5 na pamilya sabay na makukuha ng 1st at 2nd tranches ng SAP.


Ipinaalam ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Lunes (Hunyo 8), na 3.5 milion low-income families mula sa mga lugar na nasa enhanced community at hindi pa nakatatanggap ng ayuda ang sabay na makakakuha ng first and second tranche subsidy mula sa Social Amelioration Program (SAP) ngayong Hunyo.


Paliwanag ni DSWD Undersecretary for special concerns Camilo Gudmalin, ang nabanggit na 3.5 milyong pamilya ay mula sa  five million families na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang idagdag sa mga benepisyaryo ng SAP.

"Ang 3.5 milyon [na pamilya] ay tatanggap ng first at second tranche ng SAP," sabi ni Gudmalin.

Samantala, ang 1.5 milyon pamilya naman (mula pa rin sa dagdag na 5 million families) na nasa mga general community quarantine areas ay tatanggap ng SAP assistance ngayong Hunyo kasabay ng 8.5 milyong pamilya na una ng nakatanggap ng tulong pinansyal sa unang tranche ng programa.

Sa isang pahayag, una ng sinabi ng DSWD na inihahanda na ng ahensya ang distribusyon ng ayuda para sa 5 million "waitlisted" families.


1 comment:

  1. Bakit po kami Naka kuha ng 1st trans nung una tapos ngayon sa pangalawang ayuda Di na kami Naka kuha..
    #Olongapo city

    ReplyDelete