Amang naulila, Hinahanap ang mag-inang natangay ng lahar at baha.
(Photo taken from Facebook)
Amang naulila, Hinahanap ang mag-inang natangay ng lahar at baha.
Limang araw na ang nakakalipas matapos ang hagupit ng nagyong rolly at araw araw na binabalikan ni Salvador Marinque ang lugar ng Guinobatan kung saan pinaniniwalaang makikita ang nawawala niyang misis na si Elvie at ang anak na si Mikaela na parehong natangau ng lahar at baha.
Saad ni Salvador paalis na sila ng kaniyang pamilya nang tangayin sila ng malakas na alon at sinubukang kumapit ngunit nagkahiwa-hiwalay rin sila ng landas.
"Palikas na talaga kami, tinangay na kami ng alon. Dito 'yung mga anak ko, 'Kapit sa akin,' 'kaya natin to'. 'yung malakas na tubig, may kasamang bato. Nakahiwa-hiwalay kami," ani Salvador.
Nagsasagawa pa rin ng pagtatanong at counter-checking ng mga impormasyon ang Guinobatan MDRRMO, makarinig lang ng kuwento tungkol sa mga posibleng labing matagpuan sa isang lugar o kaya ay kinaroroonan ng mga biktima.
Hindi nawawalan ng pag-asang makakapiling pa ni Salvador ang nawawala niyang mag-ina.
"Sabi ko nga sana buhay, wala pang nakukuha na bangkay," ani Salvador, na planong hanapin pa kinabukasan ang kaniyang mga kamag-anak.
No comments