Breaking News

DBM ibinigay na ang P96-billion sa DSWD para sa 2nd wave ng SAP sa Pilipinas

 

(Photo from Google)


DBM ibinigay na ang P96-billion sa DSWD para sa 2nd wave ng SAP sa Pilipinas.


Ibinigay na ng Department of Budget and Management (DBM) ang funds sa Department of Social and Welfare Development (DSWD) na kailangan sa 2nd wave ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, inirelease ito ng mas maaga para mas makapaghanda ang DSWD sa distribution nito. Maaari pa daw magequest ang DSWD kung magiging kulang ito.

Makakatangap ng P5,000 to P8,000 cash aid ang mg alow-income household na kasama sa SAP dahil sa COVID-19 at enhanced community quarantine.

Hindi maaaring iduplicate ang mga forms at kung sino man ang mahuli ay haharap sa violation of Republic Act 11469 or the Bayanihan to Heal As One Act. Ang mga forms ay pre-numbered at barcoded ng DSWD.

Sa P96-billion sa 2nd wave, buo ng naibigay ng DBM and request na P200-billion para sa SAP. Ang mga lugar na nasa GCQ ay hindi na makakasama sa 2nd wave ng SAP.

No comments