Breaking News

Matapos gumaling sa COVID-19, Iza Calzado, labis ang pasasalamat sa asawa

 

(Photo Taken from Google)

Matapos gumaling sa COVID-19, Iza Calzado, labis ang pasasalamat sa asawa.

Labis ang pasasalamat ni Iza Calzado sa asawang si Ben Wintle na nakasama niya sa lahat nang hinaharap na pagsubok lalo nitong panahon ng pandemya.
Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, sinabi ni Iza na walang sasapat na salita para mapasalamatan ang kabiyak ng kanyang buhay.
"Alam mo, there are no words. I think words are insufficient. Okay grateful, of course, hindi ba grateful ka, nagpapasalamat ka. Pero parang ni hindi niya ma-quantify 'yung gratitude na mayroon ako sa puso ko at sa isipan ko para sa asawa ko," ani Calzado na isa sa mga nag-positibo at gumaling sa COVID-19.
"Kasi parang 'yung pinagdaanan ko, wala na akong mga magulang, hindi ba?" ani Iza na pigil na sa pag-iyak. "Nung time talaga na nangyayari lahat 'yon, he stood not only as my husband but as my family, as the representatives of my parents. Wala pa kaming anak pero as everything. Iniisip ko rin na it must have been so hard for him na napakahirap dalhin lahat noon and he did it na napakalakas, napaka-strong, napaka-gracious, puno ng pagmamahal. Kaya I am beyond grateful," ani Iza.
"Siguro sa Diyos na lang ako magpapasalamat dahil siya ang nagbigay sa akin ng lalaking ito na araw-araw ay iniintindi ako at ang aking kalokohan sa buhay. Sabi ko nga sa kanya kanina 'thank you for allowing me to be me. Kasi hindi ba accepting me for being who I am and just being there with my, by my side through everything," ani Iza.
Sa ngayon maliban sa kanyang asawa at pamilya, malaki rin ang pasasalamast ni Iza na maging parte ng sikat na serye ng ABS-CBN na "Ang sa Iyo ay Akin" kasama ang iba pang bidang bituin na sina Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Maricel Soriano.
"Talagang nagpapasalamat lalo na at binigyan ng pagkakataon na maituloy ang aming show na 'Ang sa Iyo ay Akin' parang work is so precious nowadays na sobrang alam mo yon sa kalagitnaan ng pagod namin sa taping, mapapasabi ka na lang ng 'Lord, thank you. May trabaho, may buhay, may hininga, humihinga.' Tapos ang pamilya ko nandiyan. Minsan parang what more do you need, of course you want things pero yung need mo pala talaga ay nasa sa iyo na," ani Iza.
Sa ilalim ng direksiyon ni FM Reyes, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang "Ang sa Iyo ay Akin" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."
Mapapanood rin ang sikat na serye sa free TV sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.

No comments