Breaking News

Ginang, Nahuli cam sa pagkuha ng Cellphone sa isang Auto Parts.

Wanted ngayon ang isang ginang na kumuha ng cellphone ng isang tauhan sa Auto Parts sa Highway ng Barangay San Jose Puerto Princesa City.

Ayon sa may-ari ng tindahan, nangyari ang pagnanakaw sa cellphone nitong Martes ng umaga, June 27.

Sa CCTV footage, makikita na pumasok ang suspek na nakasuot ng t-shirt at may suot na sling bag hanggang sa magbayad ito ng mga pinamili sa counter.
Dito ay nakitang inilagay ng suspek sa isang tray ang isang cellphone na nakapatong sa istante bago ito tinakpan ng tela pero hindi iyon namalayan ng kahera, na may-ari ng cellphone.
Kalaunan ay ipinasok na ng suspek ang mga pinamili nito kasama ang cellphone ng biktima bago lumabas ng tindahan.

Samantala, napag-alaman na dalawang beses nang nanakawan ang tindahan.

No comments