Breaking News

500 PDL mula sa muntinlupa, Dumating na mula sa lungsod

Dumating na ngayong gabi, June 28, 2023 sa Lungsod ng Puerto Princesa ang unang batch ng mga Persons Deprived of Liberty mula sa Muntinlupa.

Base sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor), 500 ang mga dumating na inmates na kung saan 450 sa mga ito ay lalaki na mamamalagi sa Inagawan Sub-Colony habang 50 naman ang mga babae na inilagay sa Sta. Lucia Sub-Colony.

Inihayag din ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na 47 sa mga ito ay kabilang sa maximum security na papunta na rin umano sa minimum security.

Samantala, inaasahan na mayroon pang susunod na darating na 2,000 na mga inmates sa lungsod.

No comments