Breaking News

Lasing na lalaki na tumawid sa ilog nalunod.


 Patay na at palutang-lutang nang makuha ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) ng Lake Sebu South Cotabato ang katawan ni Eleuterio Panila sa Barangy Baculong, Lake Sebu South Cotabato. 

Ito ang kinumpirma ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam sa Ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon sa alkalde, lasing na tinawid ni Panila ang Lake galing sa Isla Grande patungong Poblacion,Lake Sebu  kagabi ngunit hindi na ito nakadaong sa kabilang parte ng Lake.


Sa ilang oras na paghahanap ng mga MDRRMO natagpuan ito na palutang-lutang  sa Lake nitong hapon lamang. Mabilis namang  kinumperma ng mga kamag-anak nito si Panila

Nangako naman ang alkalde na magbibigay ng tulong para sa pamilya ng biktima.

No comments