Breaking News

Mag-amang tinangay ng malakas na agos ng tubig pinaghahanap parin.


 

KORONADAL CITY - PINAGHAHANAP pa rin hanggang sa oras na ito ang mag-amang pinaniniwalaang tinangay ng malakas na agos ng baha sa Purok Paraiso, Brgy. San Miguel, Norala, South Cotabato kaninang madaling araw.


Nagtutulungan ngayon ang PDRRMO, MDRRMO-Norala, Surallah at Sto. Niño, South Cotabato Search and Rescue Team, PNP and BFP para mahanap ang mag-amang Moreno na diumano ay nasa kubo nila at nagbabantay ng mga alagang bibe nang maganap ang pagbaha.


Photo credits to Amiel Cagayan and Rolly Doane Aquino 📷

No comments