Breaking News

Lalaki sa Dasmarinas Cavite, Namatay dahil sa heatstroke.


 


Isang lalaki sa Dasmarinas, Cavite ang pinaghihinalaan ngayon na binawian ng buhay dahil sa heat stroke habang nasa labas ng isang pampublikong paaralan sa lungsod.


Ayon sa ulat ng “ULAT SA BAYAN” ng PTV News, bandang alas-6 ng umaga nitong Biyernes ay nakita pa ng Disaster Rescue Response team ng lungsod ang lalaki na nakaupo sa tabing kalsada. Nangingitim ang mukha nito at gumagamit ng ointment.


Nang puntahan ng mga otoridad ang lalaki makalipas lamang ang dalawang oras ay nakumpirmang patay na ang lalaki.


Sa ngayon ay hindi pa nalalaman ang pagkakakilanlan ng lalaki at kung saan siya nagmula.

No comments