"Ayuda Manila 2021" Barangay Baseco | Payout April 11,2021
UPDATE: AYUDA MANILA - ECQ 2021
DAY 5 - 2,000 BENEFICIARIES (9,501-11,500)
SAAN: BASECO COVERED COURT
KAILAN: APRIL 11, 2021 (LINGGO)
ORAS: 1:00 pm ONWARDS
TINGNAN:
Listahan ng "Ayuda Manila 2021" scheduled for April 11, 2021, 1:00pm at Baseco Covered Court. Hanapin ang inyong pangalan at agad tumungo sa coordinators para sa validation stub.
Upang bigyang daan ang mas mabilis at madaming mabigyan agad, naglabas tayo ng 2,000 beneficiaries!
Kitakits po tayo bukas, Baseconians!
- - - - - - - - - - - - - - -
19,703 ang total ng pamilyang mabibiyan ng ayuda sa ating barangay.
MGA DAPAT ALAMIN:
Ang listahan na ginamit sa AYUDA MANILA 2021 ay mula sa Social Amelioration Program (SAP)
1,500 ang mga pangalan na ilalabas ng barangay ARAW-ARAW.
Naka ALPHABETICAL ORDER ito, ibig sabihin ang unang ipopost ay magsisimula sa letrang A at magtatapos sa letrang Z.
MGA DAPAT GAWIN:
Basahing mabuti ang listahan kung kasama na ang inyong mga pangalan.
Pumunta sa Block Coordinator kung hindi alam ang control number at humingi ng STUB na katunayan na kayo ay nasa listahan na nakapost sa mismong araw at siguraduhin na nakapirma ang inyong block leader.
Pumila, MAGSUOT NG FACEMASK at FACE SHIELD sa pagpasok ng pasilidad.
MGA DAPAT DALHIN:
ISANG (1) VALID ID lamang po ang kailangan at ang stub mula sa block coordinator.
TANONG:
PAANO KUNG WALA O KULANG ANG VALID ID?
SAGOT:
KUMUHA NG BRGY CERTIFICATE , MAAARI NA ITONG GAMITIN UPANG KATIBAYAN NG INYONG PAGKAKAKILANLAN.
MAGDALA NG (1x1) o (2x2) PICTURE NA IDIDIKIT SA INYONG BRGY. CERTIFICATE
MGA KATANUNGAN:
Paano kung wala sa BASECO ang kukuha ng ayuda?
Gumawa ng AUTHORIZATION LETTER at ipadala o picturan sa pangunahing kapamilya.
Kumuha ng AUTHORIZATION CERTIFICATE sa barangay katunayan na kayo ay qualified na tumanggap ng ayuda.
Hindi pwedeng ipakuha sa KAIBIGAN/MALAYONG KAMAG-ANAK O MAGING SA BLOCK COORDINATOR.
2. Paano kung hindi mo nakuha sa nakalaang araw ang iyong ayuda?
Maaari mong makuha ito sa ilalaang araw ng MDSW. Irereschedule ito sa huling dalawang araw ng kanilang schedule.
Kung kayo ay may karagdagang katanungan, i-comment lamang at agad naming tutugunan.
No comments