100 yrs old na lola, Binigyan ng 100k galing sa DSWD.
P100K, NAIBIGAY NA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES SUR SA CENTENARIAN NG SAN JOSE SA PARTIDO AREA
NAGA CITY—Naibigay na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Sur ang P-100,000 bilang centenarian award sa isang Lola sa bayan ng San Jose.
Kahapon ay iniabot ng Provincial LGU ang naturang halaga kay Lola Eugenia Capus ng Barangay Tambangan.
Matatandaan noong September 2, 2020 nang ipagdiwang ni Lola Eugenia ang kaniyang ika-100 taon na kaarawan kung saan nagbigay ng P-20,000 ang Lokal na Pamahalaan ng San Jose.
Maliban dito, ayon sa San Jose LGU ay makakatanggap din daw ng Centenarian Award si Lola Eugenia mula naman sa DSWD na inaasahang ibibigay sa susunod na taon.
Una nang nakatanggap kamakailan ng kahalintulad na halaga mula sa City LGU ang 102 anyos na si Lola Carina Hermosa ng Barangay Santiago, Iriga City.
Kahapon dalawang Centenarian naman ang sabay na nagdiwang ng kanilang ika-100 kaarawan sa Libmanan na inaasahan ding mabibigyan ng kahalintulad na cash award.
Sa ilalim ng Republic Act 10868 or the Centenarians Act of 2016, ang lahat ng mga Senior Citizen sa bansa na umabot sa ika-100 taon ng kanilang kapanganakan ay mabibigyan ng Centenarian Cash Gift bilang pagkilala sa kanilang naging ambag sa komunidad noong panahon malakas pa silang nakakapagrabaho at nakapagbibigay ng serbisyo.
No comments