Breaking News

Pres. Duterte, gumagawa ng paraan para bigyan ang 23 milyong pamilya ng ayuda mula sa SAP




Pres. Duterte, gumagawa ng paraan para bigyan ang 23 milyong pamilya ng ayuda mula sa SAP.


Naghahanap ng paraan ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) hindi lang ang mga nasa enhanced community quarantine (ECQ) kundi maging ang mga nasa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Noong nakaraan una ng sinabi ni Roque na mula sa 18 milyong pamilya, naging 23 milyon na ang benepisyaryo ng SAP ngunit limitado nalang ang pondo ng programa para sa mga nakatira sa ECQ areas.

Dahil dito, ayon kay Roque, inutusan ng Pangulo si Budget secretary Wendel Avisado na maghanap ng mapagkukunan ng pondo upang mabigyan din ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga GCQ areas.

"Nakapag- usap kami kagabi ni Presidente, at inatasan niya si Budget Secretary Wendel Avisado na tuliin ang budget, meaning hanapin sa budget ng agencies kung may pwede ire-align para sa second tranche [para sa GCQ areas]," sambit ni Roque.

Dagdag pa ni Roque, pinag-aaralan ngayon kung kakayaning isama ang GCQ areas sa second tranche ng SAP ngunit paglilinaw niya, hindi nakatitiyak kung makakatanggap pa rin ng P5,000 hanggang P8,000 na tulong ang mga benepisyaryo.

Sinabi rin ni Roque na makikipag-ugnayan din ang Pangulo sa kongreso upang maghanap ng karagdagang budget para sa second tranche ng SAP.

No comments