ALBULARYO PATAY SA PAMAMARIL SA BAYAN NG MAKILALA
HINdI na nakuhang gamutin ng albularyo ang kaniyang sarili matapos itong barilin patay ng di nakilalang suspek alas 7:28 ng umaga nitong araw ng Myerkules sa Purok 28 Barangay Poblacion.
Sa impormasyong ipinalabas ng Makilala PNP ang biktima ay nakilalang si Ulysses Manligro Mirabueño, 49 anyos may asawa at isang albularyo na nakatira sa Sitio San Nicolas Barangay San Vicente ng nabanggit na bayan.
Sa ginawang imbistigasyon ng mga awtoridad binabaybay ng biktima ang kahabaan ng highway patungong bayan ng Mlang North Cotabato sakay ng kaniyang Honda Click ng pagdating sa lugar may isang lalaki na nakasout ng kulay itim na sombrero at facemask na siyang bumaril ng ikalawang beses sa leeg ng biktima rason ng agaran nitong kamatayan.
Nakuha sa lugar ng pamamaril ang basiyo ng caliber 45 pistol mula sa suspek na agarang tumakas patungo sa Brgy Sto. Niño ng bayan sakay ng isang kulay pulang Rusi motorcycle na minamaneho ng isa pa nitong kasamahan.
Sa ngayon inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril patay sa biktima.
Photo Courtesy: Iel Nathan
No comments