675k duplicate SAP beneficiaries at 239k ineligible recipients, nadiskubre ng DSWD
Mahigit 675,000 na indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno at lampas 239,000 ng mga hindi kwalipikadong benepisyaryo naman ang nadiskubre ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa isang opisyal nito.
“Medyo malaki ang duplicates na nakita. Mayroon tayong mahigit 675,000 na mga duplicates at mahigit 239,000 na mga ineligible,” sabi DSWD spokesperson Irene Dumlao sa isang panayam.
Dagdag ni Dumlao, mga local government unit ang responsable sa pagbalik at pag-refund sa halaga ng perang naipamahagi sa mga duplicated at ineligible beneficiaries.
“Hindi lamang po DSWD ang nagpatupad or nag-implement ng social amelioration program. Nagpatupad din ang Department of Labor and Employment, Social Security System,” saad niya.
Dahil dito, mas pinaigting ng DSWD ang validation process sa mga benepisyaryo ng SAP upang matiyak na mapupunta lamang ang ayuda sa mga karapat-dapat tumanggap nito.
Pano po b malalaman kung qualified kami sa 2nd tranche samantalang nakakuha n kami ng 1st tranche.. Eh simula po nung ngkaquarantine nawalan po kami ng trabaho ng asawa q na hanggang sa ngyn ay wala prin po kaming trabaho. Kaya kung ano2 raket ang ginawa namin pra lng makaraos at may ipangtustos sa pamilya namin dahil sa sobrang hirap din pong mghanap ng trabaho ngyn. Sana naman po malaman nmin kung qualikado po kami mga nagiintay ng 2nd tranche o ndi..
ReplyDelete