PRRD, nag-utos na ilaan ang Pfizer vaccine sa mahihirap.
Inihatid ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang bagong kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Pfizer vaccine sa public briefing nitong Mayo 20.
Ayon kay Roque, utos ng Pangulo na ilaan ang Pfizer vaccine sa mga mahihirap at gawin ang pagbabakuna sa vaccination sites at hindi sa mga mall.
Ito raw ay dahil nakita ng Pangulo ang pagdagsa ng tao sa isang mall sa Parañaque nang malaman na ang bakunang ituturok ay mula sa Pfizer.
“Ipinag-utos rin po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga mahirap o sa indigent population, dahil yan po ang patakaran ng COVAX. Dagdag po ni Presidente, ilagay ang Pfizer, hindi sa mga mall, kundi sa vaccination sites sa mga barangay kung saan mababa ang take-up ng vaccines," ani Roque.
Dagdag niya, huwag maging pihikan sa ituturok na bakuna kontra COVID-19 dahil lahat naman umano ng aprubadong bakuna ay ligtas at epektibo base sa clinical studies.
No comments