NAPOLCOM: Na ngangailangan ng 17,314 patrol officers para sa dagdag work force.
BASAHIN: Inaprubahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-recruit ng 17,314 patrol officers upang mapunan ang pagkabawas ng kapulisan, dagdagan ang work force, at mapataas ang police visibility sa bansa.
Nilabas ng NAPOLCOM ang Resolution No. 2021-0475 na nilagdaan noong April 27 sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary at NAPOLCOM Chairman Eduardo M. Año, na nagpapahintulot sa CY 2021 Regular and Attrition Recruitment Program ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano N. Aguirre II, 1,000 recruits galing sa unang recruitment cycle ang ilalaan sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
“The 16,314 attrition recruitment quota, on the other hand, is intended to replace uniformed personnel losses due to separation from the service (retirement, designation, death, dismissal from the service, absence without leave),” dagdag ni Aguirre.
No comments