Breaking News

Lalaking tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Allah River, natagpuan na


 

PATAY na ng matagpuan kaninang madaling araw ang isang motorista na nahulog sa isang tulay sa Barangay Moloy, Surallah, South Cotabato kagabi.


Kinilala ni Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Leonardo Ballon ang biktima na si Roger Barnezo na residente ng nabanggit na barangay.


Ayon kay Ballon na na nahulog ang biktima sakay sa motorsiklo kasama ang kanyang asawa at anak bandang alas -10 kagabi habang tinatahak nila ang tulay pauwi sa Barangay Moloy.


Nakaligtas ang kanyang asawa at anak ngunit hindi nakaligtas ang biktima na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Allah River.


Natagpuan ang bangkay nito sa Bai Saripinang sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.

No comments