Breaking News

Bagong panganak na menor de edad, nagpakamatay!


 KORONADAL CITY - NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pag-inom ng lason ang 15-anyos na bagong panganak na residente ng Purok Rosal, Barangay Namnama, Koronadal City.


Dalawang linggo pa lamang makaraang manganak ito sa pamamagitan ng caesarean operation.


Sa panayam ng Brigada Koronadal sa kapitbahay nitong si Maricar Pinto, nagkulong umano sa loob ng kanilang bahay ang naturang menor de edad kung saan uminom ito ng lason.


Agad naman itong isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ng kanyang kapatid at mga kapitbahay subalit ideneklara itong dead on arrival sa pagamutan.


Pahayag naman ng kapatid na nais dalhin ng 15-anyos sa Tacurong City ang kanyang anak dahilan upang sila ay mag-away.


Hindi umano inaasahan nito na magpapakamatay ang kanyang kapatid.


No comments