Breaking News

Viral: Pasyente nasa loob nalang ng sasakyan, dahil wala ng bakante sa loob ng hospital


 Viral ngayon sa social media ang isang larawan na sasakyan na nakaparada sa labas ng isang ospital, Nag mistulang treatment facility dahil wala na daw bakante sa loob ng hospital. 


Kita sa retrato, na ipinost ng emergency room doctor na si Dr. Jamie Ysabel Amposta, na may oxygen tank at IV pole sa may sasakyan.


Ayon kay Amposta, isang 66 taong gulang na pasyente ang nasa loob ng kotse.


Sobrang sakit aniya para sa kaniya na hindi siya maayos na makapanggamot ng pasyente dahil wala nang bakante sa tents o kuwarto sa ospital.


Hindi rin daw masisi ni Amposta ang mga kasama sa pagtanggi sa mga pasyente.


Humingi ng tawad si Amposta sa mga natatanggihan na, pero nagpapasalamat naman siya sa mga nagpapadala ng kaunting tulong.


Sa kaniyang update, nailipat na sa isang tent sa labas ng ospital ang pasyenteng nasa sasakyan dahil wala pa ring bakanteng kuwarto.

No comments