Breaking News

TINGNAN: Nag mistulang ipuipo ang ulap na nakuhananng larawan ang bagyong Bising


 TINGNAN: Tila isang malaking ipuipo ang ulap na nakuhanan ng larawan ni Bayan Patroller Sheena Ranara noong Abril 18 sa San Juan, Pili, Camarines Sur.


Isa ang kanilang lugar sa mga tinamaan ng bagyong #BisingPH pero hindi naman sila binaha. Nakaranas sila ng malakas na hangin at pabugso-bugsong ulan.


Ayon kay Prof. Edmund Rosales mula sa Philippine Astronomical Society, ang ulap na ito ay isang thunderstorm cloud o cumulonimbus clouds.


Kung nagpatuloy aniya ang sirkulasyon nito ay maaaring mabuo ang isang buhawi. 


Dagdag pa niya, ang ulap na ito ay bahagi ng rain band ng bagyong Bising. Ito aniya ang mga ulap na umiikot sa bagyo, na nakikita rin sa mga satellite.


"Ang thunderstorm ay smaller version ng isang bagyo... Ang bagyo kasi ay binubuo ng hundreds to thousands of cumulonimbus clouds.”

No comments