Breaking News

Mga bumbero, nabiktima ng prank call sa San Juan City

 


Nabulabog ang mga residente sa Barangay Batis sa San Juan City matapos ang sunod-sunod na pagdating ng mga truck sa kanilang lugar nitong Linggo ng gabi.


Ang ipinagtataka ng mga residente ay wala namang sunog sa kanilang lugar noong mga oras na iyon. 


Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) ang nasabing prank call. 


Tumawag umano ang prank caller sa 911 at sinabing may sunog sa kanilang barangay. Noong tinawagan ulit ng BFP ang caller ay hindi na ito sumasagot. 


Sa datos ng DILG, halos 2.5 milyong prank calls ang kanilang natanggap noong 2019.

No comments