Breaking News

Lalaki nag sauli ng iPhone, imbes pasalamatan binugbog pa ng may'ari


 Hustisya ang sigaw ngayon ng isang Grab car driver matapos siyang bugbugin ng kanyang pasahero na nakaiwan ng cellphone sa kanyang sasakyan, sa halip na pasalamatan.

Kwento ni Armando Yabut, may sumakay sa kanya noong February 9 papuntang Kamuning, at nang makauwi na siya ay dun niya lang namalayan na naiwan ng pasahero ang kanyang cellphone.


 Kaya naman agad siyang nakipagtulungan sa Grab at nahanap agad ang may-ari.


Kalaunan, tumawag sa kanya ang may-ari at nakiusap na ihatid sa kanya yung cellphone dahil emergency raw at babayaran nalang siya bilang kapalit.


Nagmagandang loob naman ang driver na ihatid agad yung cellphone kahit walang kapalit, pero nung hinatid na raw niya sa may-ari yung cellphone ay sinabihan siyang magnanakaw saka binugbog ng walang kalaban-laban at pilit pinaaamin sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

No comments