Breaking News

DSWD: Patuloy ang pamimigay ng Cash Assistance sa mga Senior Citizen.


 Nagpapatuloy ngayong araw ang paghatid ng monthly stipend para sa mga lolo at lola sa ilalim ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens sa mga bayan ng Misamis Oriental.

Ngayong araw, target ng DSWD Field Office X na mabigyan ng tig-P3,000 ang 7,140 na benepisaryo mula sa bayan ng Lugait (1,235), Libertad (1,407), Opol (1,939), at Alubijid (2,559).

Maagang ibinigay ng DSWD Field Office X ang P500 monthly stipend ng mga benepisaryo para sa unang semester nitong taon para may magamit ang mga lolo at lola sa kanilang mga pangangailangan, lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Istrikto din na ipinapatupad ang lahat na health protocols sa mga payout venues bawat bayan.

2 comments:

  1. Kaluka matatanda n magulang senior citizen n ndi p kasali

    ReplyDelete
  2. Ako 60 years old na hindi pa ako nakatanggap ng sinasabing sap widow naako matagal na. ganon din nanay ko 87 narin at pariho kming mga widow.. wla po akong trabaho at wala din po akong pension na mag ma monthly katulad sa iba na may monthly SSS. yong senior citizen lang hindi naman yon monthly.. hirap na hirap po ako dalawa kmi ng nanay ko atay katarata po dalawang mata ng nanay ko.. sa matulongan po ako ..sana sagutin po itong sulat ko ng DSWD..

    ReplyDelete