Breaking News

Pawikan, Namataan sa dalampasigan ng Kalaong Beach, Maitum, Sarangani


Namataan ang 2 pawikan sa dalampasigan ng Barangay Kalaong Beach, Maitum, Sarangani Huwebes.

Kilala ang lugar na nesting place ng sea turtles. Dahil dito, naturuan na ang mga residente sa bayan at maging sa buong lalawigan na huwag saktan ang mga pawikang critically endangered species na.


Naghigpit sa pagbabantay ng protected seascape ang Sarangani Environmental Conservation and Protection Center dahil noong nakaraang taon, sunod-sunod ang naitalang namatay na mga pawikan sa ilang bayan.

No comments