Breaking News

Ginang 84-Taong Gulang, Pinalayas sa kanyang sariling tahanan ng kanyang anak.


Kamakailan lang, may isang ginang na nagngangalang Dana Bautista ang lumapit sa programang Raffy Tulfo in Action at sa mga awtoridad, upang humingi ng tulong para sa kanyang inang 84-taong gulang na, dahil sa ginawang pagpapalayas dito sa sarili nitong tahanan.

Ayon nga sa naging ulat ni Dana, ang lupa at tahanan ng tinitirhan ng kanyang ina, ay pagmamay-ari nito, ngunit ito ay nailipat sa pangalan ng kanyang kapatid na ngayon ay may asawa ng foreigner.

kuha mula kay Dana

Dagdag pa ni Dana, hindi pa nga nakontento ang kanyang kapatid sa pangangamkam ng buong ari-arian nilang pamilya. Ang ginawa nga nito, ay sinolo ang lupain ng kanilang pamilya, at hindi man lang sila binigyan ng parte, bilang mga kapatid nito. Ang malala pa, maging ang sarili nilang ina, ay nagawa nitong palayasin sa sarili nitong lupain at tahanan.

Sa ngayon nga ay nasa pangangalaga ni Dana ang kanilang 84-taong gulang nilang ina. Pero ayon kay Dana, ay hirap din sila sa buhay, hindi tulad ng kapatid niyang mayaman na ngayon, dahil sa asawa nitong dayuhan. Mas lalo pa nga umano silang pinapahirapan ng kanyang kapatid, dahil pati ang lupa na kinatitirikan ng kanyang bahay, ay nais pa nitong kuhanin.

kuha mula kay Dana

Paglalahad pa ni Dana, nais niyang maayos na ang problema nilang ito, lalo pa ngayon na ang kanilang ina ay matanda na, at ito nga ay nasa kanyang pangangalaga.

“Humihingi po kami ng tulong, ito ang aking nanay 84-years old na siya at may karamdaman. Dito siya sa akin nakatira ngayon, dahil pinalayas siya ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili niyang bahay at lupa. Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha pa rin at pinapalayas kami,” saad ni Dana sa kanyang naging post.

No comments