Breaking News

Ayon sa autopsy "ruptured aortic aneurysm" ang ikimatay ng Flight Attendant na si Christine Dacera.


Lumabas sa unang autopsy report na ruptured aortic aneurysm ang ikinamatay ni Christine Dacera.

Ang aortic aneurysm, ayon sa mayoclinic.og, Ang isang aneurysm ng tiyan aortic ay isang pinalaki na lugar sa ibabang bahagi ng pangunahing daluyan na naghahatid ng dugo sa katawan (aorta).

Ang aorta ay tumatakbo mula sa puso sa pamamagitan ng gitna ng dibdib at tiyan.

 Ang aorta ay ang pinakamalaking daluyan ng dugo sa katawan, kaya't ang isang napalupit na aneurysm ng tiyan aortic ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo na nagbabanta sa buhay.

kuha mula sa google

Bukod sa iba't ibang disorder, maaari rin daw itong ma-trigger ng physical trauma sa gawing dibdib o tiyan.

Umalma ang kampo ni Christine dahil kulang daw ang detalyeng nakasaad sa autopsy report.

Hindi raw nakasaad ang mga pasa at sugat na natagpuan sa katawan ng biktima.

Paliwanag ni Reyes: "They are saying that she died of natural causes, a ruptured aortic aneurysm which appears in the certificate of death, but which does not include all the injuries that she sustained.

kuha mula sa google

"That's why when we saw the certificate of death of Dr. Sarmiento, we decided to take photogpraphs of Christine's injuries and we included this in the witnesses' complaint to show what kind of an autopsy is this. Why did you not specify the other injuries?

"That's why we requested another autopsy."

Naninindigan ang kampo ni Christine na ginahasa ang dalaga at pumanaw ito dahil sa pang-aabusong sinapit nito sa kamay ng mga suspek.

"There are two issues that we have to study. One, drugs were used on Christine; and then she was abused prior to her death.

"That is why we charged the respondents with rape and homicide," giit ni Reyes.

Dapat daw panagutin ang "nine individuals" na kasama ni Christine sa Room 2209 na hinihinalang may "direct participation" o "accessory" umano sa krimen.

Dagdag ni Reyes: "Sino ba talaga ang nag-sexually assault kay Christine? Sino ba talaga ang nag-spike ng drink niya with drugs?

"Sino ba talaga ang immediate cause ng kamatayan niya?

"Kasi yung sinasabi na ruptured aortic aneurysm is only the result of the assault. Yun ang aming position."

No comments