Breaking News

Wrong number na tinatawagan ni willie Revillame, sinuwerte pa rin sa 'Tutok to Win

(Screenshot sa YT wowowin) 

Isang lalaki ang masuwerteng nabiyayaan ng premyo ni Willie Revillame sa programa nitong ‘Wowowin-Tutok to Win’ kamakailan dahil nagkamali ng numerong napindot ang comedian-host.


Nitong December 7, nagtaka si Willie nang sabihan siyang wrong number ng kanyang kausap..

Kaya pala ay nagkabaliktad ng numerong napindot ang Wowowin host nang tawagan niya ang sender ng text message na si Ronilla.

(Screenshot sa YT wowowin) 

Natuwa naman ang lalaking si Juanito dahil nakausap niya si Kuya Wil at kahit umano wala siyang matanggap na premyo ay okay lang.

Aniya, “Naku, nagkamali ako ng pindot. Nagkamali ako ng isang numero.”

“Sige po, okay lang. Masaya na akong nakausap ko kayo,” wika nito.

Subalit hindi naman pumayag ang komedyante na wala siyang ibibigay sa kaniyang kausap kahit pa hindi naman talaga ito ang nag-send ng text message para makasali sa programa.

Bago ito ay inalam muna ni Willie ang buhay at trabaho ng lalaki na isa palang truck driver at mayroong apat na anak.

(Screenshot sa YT wowowin) 

“Pasensiya ka na ha…Dahil natawagan kita ay bibigyan kita ng 20,000 cash” ani Willie.

Malaki naman ang pasasalamat ni Juanito sa sponsor na nagbigay sa kaniya ng pera.

Dahil naintindihan ni Juanito ang hindi inaasahang pagkakamali ni Willie, pinagkalooban pa rin siya nito ng papremyo. Kahit wrong number ay nanalo siya ng PhP 20,000 at android tablet.

No comments