Breaking News

TIGNAN: Ilang mga larawan magpapakita ng plano sa Metro Manila Subway.


Narito ang ilang mga larawang magpapakita ng plano sa kauna-unahang Metro Manila Subway.


Ngayong araw, pinirmahan ni DND Secretary Delfin Lorenza at ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kasunduan na nagpapahintulot sa DOTr na gamitin ang ilang lupain ng DND na dadaanan ng konstruksyon para sa underground railway system.



"Sa araw na ito sasabihin natin sa sambayanan, tuloy na ang subway station. Make the life of Filipino comfortable, convenient and safe," ani DOTr Secretary Arthur Tugade.


Target na maganap ang partial operability sa unang apat na istasyon ng Metro Manila Subway sa taong 2022.
Narito ang mga istasyon na kabilang sa partial operation:
•East Valenzuela Station
•Quirino Highway Station
•Tandang Sora Station
•North Avenue Station



Nakatakda naman ang full section operation sa 2026 kung saan magagamit na ang underground railway system mula Valenzuela hanggang NAIA Terminal 3 at mapapaikli na lamang sa 32 minuto ang biyahe mula Quezon City hanggang Parañaque

No comments