Breaking News

Serial rapist at magnanakaw, arestado.


Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek na si Marianito Sta Maria, 27 years old na naaresto kaninang madaling araw.
Ang kaniyang biniktima, isang massage therapist.

Ayon sa QCPD, nagpanggap na customer ang suspek, nagbook ng masahista sa isang apartelle sa Cubao, QC.

Hindi na nga nagbayad, nanutok pa ng kutsilyo ang suspek. Hindi pa nakontento sabi ng pulisya, ginahasa rin at ninakaw ang cellphone at cash ng biktima.

Makalipas ang ilang oras, kinontak din ni Sta Maria ang kaibigan ng biktima.
Dito na siya nasundan ng pulisya hanggang sa nahuli na sa man hunt operation na umabot sa Pasay City.

Robbery with rape ang haharaping kaso ng suspek. Lalo't natukoy ng otoridad na marami na palang biniktima si Sta Maria.

1 comment: