Breaking News

Bata, Halos isang linggo ng kumakain ng karton dahil sa walang pambili ng pagkain.


Para lang may malagyan ang kumakalam na sikmura, halos isang linggo na siyang kumakain ng karton ang isang 16 na taong gulang sa Sampaloc, Tanay. 


Ayon sa netizen na si Lenstien Hortal na siyang nagbahagi ng kwento, kumakain siya sa isang convenience store sa Sampaloc, Tanay nang makita niya  ang binatilyong si John Mark Sta. 

Naglakas loob si Hortal na kausapin ang binatilyo para tanungin kung bakit ito kumakain ng karton gayong hindi naman ito pagkain.

 Dito niya nalaman na isang linggo na pala siyang kumakain ng karton dahil sa walang pambiling ng pagkain. 

(Kuha mula sa Facebook) 

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap, naibahagi ni John Mark na pito silang magkakapatid at walang umaagapay sa kanilang magulang dahil ang kaniyang ina ay nasa Montalban habang nasa Maynila naman ang kaniyang ama.

No comments