Lalaki, hindi alintana ang ulan kumita lang mula sa ibinebentang kamote
Lalaki, hindi alintana ang ulan kumita lang mula sa ibinebentang kamote.
Dahil sa mas pinahirap na buhay dulot ng pandemya, hindi na inisip ng isang kamote vendor ang kaniyang kalusugan kumita lamang ng pera na maipangtutostos para sa kaniyang pamilya.
Sa isang larawan na ibinahagi ng concerned netizen na si Cindz Mallari-Rodriguez, makikitang basang-basa na ang lalaki at ang kaniyang tindang mga kamote habang nasa bangketa.
Kapansin-pansin din na tila hinihintay ng tindero na maubos ang kaniyang paninda bago umuwi sa kabila ng tumitinding ulan.
“Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig na po kasi sya at basang basa,” panghihikayat ni Rodriguez sa publiko.
Dahil din dito, marami ang naantig sa kwento ng lalaki at nakakuha ng inspirasyon sa gitna ng umiiral na pandemya.
No comments