Breaking News

Isang Sunfish ang natagpuan sa Davao Oriental


Isang sunfish ang natagpuan sa mababaw na bahagi ng dagat sa Barangay Maputi sa Banaybanay, Davao Oriental Biyernes.


Sa mga larawang kuha ni Glenn Amoguis, kapansin-pansing may sugat ang hayop matapos aniyang malambat. Makikita ring pinagkaguluhan ng mga residente ang isda ngunit paglilinaw ni Amoguis, patay na ito nang patungan at upuan ng mga bata.


Ayon sa environmentalist at marine biologist na si Darrell Blatchley, ang naturang sunfish ay pinakamalaking nakita niya sa Davao Gulf.


Panawagan niya sa publiko na huwag saktan at ibalik dapat sa karagatan ang marine species lalo na ang mga bihirang klase nito.


"If it was alive, it should have been immediately released and not stepped on or sat on. It shows the complete lack of empathy of the locals to an animal treating it this way.”

 

No comments