Breaking News

Viral: Customer nag order ng Lugaw, Ibigay lang sa Grab delivery bilang pasasalamat.


 

Naging matunog ang #LugawIsEssential na diskusyon sa social media dahil sa pangyayaring hindi pinalusot ang isang rider upang i-deliver ang lugaw sa customer dahil hindi raw ito essential good.

Samantala nilinaw naman ng Malacañang na ang lugaw ay isang essential good at ang delivery ng mga pagkain ay pinapayagan 24/7 kahit na lampas na ng curfew hours ngayong bumalik sa ECQ ang NCR.

Kasunod kasi ito ng viral video ng rider na hinarang ng isang opisyales ng barangay sa San Jose Del Monte, Bulacan dahil ang ide-deliver niyang lugaw ay hindi raw essential item. Bukod pa riyan, ang mga pagkainan ay dapat sarado rin daw kapag oras ng curfew.

No comments